TRANSCRIPT 047

WALA NANG MAGHAHANGAD SA PILIPINAS

Transcribed by
ARISTEO CANLAS FERNANDO
Peace Crusader and Echo of the Holy Spirit

 

Ama: Hoy, takpan nga ninyo ang taynga ninyo muna. Si Aristeo na lang muna ang kakausapin Ko.

Para sa kaalaman mo, Aristeo, kapag si Reneliniyindi ay nawala sa bansang Pilipinas, wala na dito isa mang bansang maghahangad. Dahil kapag nawala rito si Reneliniyindi, mawawala na rin Ako. Hindi mo na madidinig ang tinig Ko kahit saan ka pa pumaroon.

Marami kayong mga sangay. Mayroon sa Ehipto. Hindi mo naman natagpuan. Mayroon sa Amerika. Mayroon sa Ingglatera. Mayroon din dito mismo sa inyo sa Pilipinas. Yaong tinatawag ninyong mga espiritista. Kung sa bagay, hati-hati yaang espiritista. Hindi iisang klase yaang espiritista ngunit dito mo lang madidinig ang tinig Kong ito sa buong mundo.

At kung kayo ay mangamatay na at ang inyong kaluluwa at katawan ay muli nang magsama sa pagharap sa Huling Hukuman, madidinig mo lamang uli ang tinig Kong ito na hindi na ganito na ... na ...

Marcial Aguila: Malaking tinig.

Ama: pinagkakamalian mo kung hindi tinig ... Hayaan mo at darating din sa buhay mo iyon.

Marcial: Yaong buong-buong tinig.

Ama: Na madidinig mo.

Marcial: Narinig ko na po iyon, Ama.

Ama: Alright.

Anita Perez: Dumadagundong na tinig.

 

HOME

INDEX

PREVIOUS

NEXT

AUDIO

 

File Name:
Website Address:

C:\...\transcript047.htm

http://aristean.org/transcript047.htm

First uploaded:
Last updated:

2011-02-17
2011-02-17


Revision: 0

Copyright 2011 Aristeo Canlas Fernando
All rights reserved.