MATIMBANG ANG TUBIG KAYSA DUGO

Sinalin ni Aristeo Canlas Fernando
Peace Crusader and Echo of the Holy Spirit

Ama: Matimbang di-umano ang dugo kaysa tubig. Datapwat sinasabi Ko sa inyo na higit na matimbang ang tubig kaysa dugo. Ito ang buong totoo. Ito ang buong totoo. Datapwat ang ipinaiiral natin ay mali.

Mahigit daw na matimbang ang tubig, o ang dugo, kaysa tubig. Ano ba ang inyong iniinom? Ano ba ang inyong ipinaliligo? Ano ba ang inyong ipinanluluto? Ano ba ang inyong ipinanlilinis? Ano ba ang inyong pamatay-sunog? Hindi ba tubig?

Kailanman ba ay ginamit ninyong panluto ang dugo? Kailanman ba ay ginamit ninyong pampaligo ang dugo? Kailanman ba ay ginamit ninyong pampatay-sunog ang dugo? Kailanman ba ay ginamit ninyong panlinis ang dugo?

Kung minsan, ang dugo ay lason para sa katawan ng sariling may dugo.

Tunay na tunay na sinasabi Ko sa inyo na hindi mapapantayan ng tubig man at dugo ang inyong timbang at uri na magkakapatid sa panahong ito at magpakailanman.

Tunay na tunay na sinasabi Ko sa inyo, si Miguel Arkanghel at si Bekah na siyang si Satanas ngayon ay tunay na tunay na magkapatid.

 

 

Transcription ito na galing sa e04a, 16:12-18:04

 

HOME

INDEX

PREVIOUS

NEXT

 

File Name:
Website Address:

C:\...\website\...\pahayag145.htm

http://aristean.org/pahayag145.htm

First uploaded:
Last updated:

2014-06-15
2014-08-12


Revision: 1

Copyright Aristeo Canlas Fernando 2014. All rights reserved.