PAHAYAG NG ESPIRITU SANTO - 123

35 TAON SA GRADE I

Sinalin ni Aristeo Canlas Fernando
Peace Crusader and Echo of the Holy Spirit

Ama: Wala Akong ibabalita sa inyo ngayon kundi isang balitang totoo. Sino ba sa inyo ang dumadalo? Sagot.

Anita Perez: Dumadalo naman po, Ama. Hindi lang kompleto.

Ama: Kapagka sa iskuwelahan, kapagka nag-aaral at dumarating naman sa school, school ha, ngunit palaging huli, ano ang itatawag ninyo doon. Late. At ano ang nangyayari pagdating ng examination? Ano?

Tagapakinig: Bawas po ang grado.

Ama: Bawas daw ang grado. Paano ang nangyayari kapag bawas ang grado? Kung bagsak eh ano ang ginagawa?

Tagapakinig: Uulitin ang pinapag-aralan.

Ama: Uulitin. Balik sa Grade 1. Eh paano kung Grade 2? Mayroong mga batang Aking nakikita na apat na tao sa Grade 1. Ano ang itatawag doon?

Anita: Ama, ang ibig sabihin po, mahal niya ang teacher niya?

Ama: Mahal ang teacher. Ayaw iwanan. Eh papaano naman kung dalawampu at lima na. Ano ang tawag?

Crescencia Dalangin: Mahal na mahal daw niya.

Ama: Hindi. Mayroong sumagot diyan eh.

Maximiano: Bobo, po.

Ama: Bobo. Ano ba ang nangyayari pagkabobo? Eh kayo eh 35 taon sa Grade 1. Masyado naman ninyo Akong mahal. Masyado ninyo Akong mahal. Pero ano nangyayari pagka 35 taon na sa Grade 1?

Tagapakinig: Pinapahinto na po.

Ama: Pinapahinto na. Kayo ang nagsasabi niyan. Maghihinto na ba Ako ng pagtuturo?

Mga tao: Hindi po.

Ama: Eh, pinahihinto daw eh.

 

Transcription ito na galing sa u02b, 1:00-3:00

 

File Name:
Website Address:

C:\...\website\pahayag\pahayag123.htm

http://aristean.org/pahayag123.htm

First uploaded:
Last updated:

2014-01-29
2014-01-29


Revision: 0

Copyright Aristeo Canlas Fernando 2014. All rights reserved.