PAHAYAG NG ESPIRITU SANTO - 096

BUNSO’Y MATULOG NA©

Sinalin ni Aristeo Canlas Fernando
Peace Crusader and Echo of the Holy Spirit

Ang kantang Bunso’y Matulog Na ay kinanta nina Ka Apaz aka Maria Liwayway Alvaran, Anita Perez, Alvara Cabalda, Rosario Magbanua, Crescencia Dalangin, at Hansel Roque.

Ang lyrics ng kantang ito ay:

 

Bunso’y matulog na,

matulog na, Bunso.

Ikaw ba’y nagtampo

dahil sa pinalo?

Pinalo man kita,

iyan ay pagsuyo.

Mahal na mahal ka

sa puso ko, Bunso.

 

Bunso’y matulog na

sa sutlang kandungan

nang ika’y lumaki

at makapag-aral.

Kung lumaki ka na,

diwa mo’y lumabay,

Magiging gabay ka

niyaring katandaan.

 

Ito ang interpretasyon ni Ka Apaz sa kanta:

 

Ang kantang ito ay pangmagulang.  Ang ibig sabihin ng bunso’y matulog na, matulog na bunso, ikaw ba’y nagtampo dahil sa pinalo?  Kung nagtatampo ang bata, talagang umiiyak pagkatapos mong paluin, ay hindi dapat sapagkat iyon ay pagsuyo ng magulang, pag-amo ng magulang, pagbibigay lakas-loob at huwag nang guawa ng pagkakamali.

Bunso’y matulog na sa sutlang kandungan.  Pinatutulog niya ang kanyang anak sa sutlang kandungan nang siya’y lumaki at makapag-aral nga naman.  Kung lumaki ka na, diwa mo’y lumabay, ibig sabihin ay tumayug na ang ang diwa mo, ay ikaw ang magiging gabay ng magulang mo sa kanyang katandaan.  Kaya hindi dapat ang anak ay makatapos lang.  Sisisihin pa ang magulang kung hindi makatapos at hindi na magiging gabay.  Talagang gabay ng magulang ay ang anak.

 

Ang kanta ay nasa http://aristean.org/pahayag096.mp3 at galing sa u05a, 32:16-33:35.

Edited transcription ng paliwanag ni Ka Apaz tungkol sa kanta ay galing sa u05a, 33:46-35:03.

 

File Name:
Website Address:

C:\...\website\2008\pahayag096.htm

http://aristean.org/pahayag096.htm

First uploaded:
Last updated:

2013-05-23
2013-05-23


Revision: 0

Copyright © Aristeo Canlas Fernando 2013. All rights reserved.