PAHAYAG NG ESPIRITU SANTO - 095

SA TUWING HATINGGABI

Sinalin ni Aristeo Canlas Fernando
Peace Crusader and Echo of the Holy Spirit

Ang kantang Sa Tuwing Hatinggabi ay kinanta nina Ka Apaz aka Maria Liwayway Alvaran, Anita Perez, Alvara Cabalda, Rosario Magbanua, Crescencia Dalangin, at Hansel Roque.

Ang lyrics ng kantang ito ay:

 

Sa tuwing hatinggabi

sa aking paglalakbay,

mataas ng Langit

sa akiy nakatunghay.

 

Ang kumpol ng bituin

sa akiy nakatanglaw

kaya pala, ang irog koy

may iba nang minamahal.

 

Kahit mo na dustain

yaring pagkatao ko

mahigit pa sa iyan

ay tatanggapin ko.

 

Kay lupit ng puso mo

nagkait sa puso ko

pag-ibig, pag-ibig din

ang igaganti ko sa iyo.

 

Ito ang interpretasyon ni Ka Apaz sa kanta:

 

Ang ibig sabihin niyan, Diyos na naglalakbay. Nakatunghay sa kanya ang Langit. Nakatanglaw ang bituin. Pero ang Kanya palang taong iniibig ay mayroon nang iniibig. Kaya ang sabi Niya, kahit mo na dustain yaring pagkatao Ko, sa tao lang Siya nagwawangis, ay tatanggapin Niyang lahat, ang igaganti Niya ay tanging pag-ibig at pag-ibig din. Kaya tayong lahat, matutong makinig sa Diyos ng buong puso. Hindi tayo dapat umiba.

 

Ang kanta ay nasa http://aristean.org/pahayag095.mp3 .

Edited transcription ng paliwanag ni Ka Apaz tungkol sa kanta ay galing sa u05a, 19:26-20:12.

 

File Name:
Website Address:

C:\...\website\2008\pahayag095.htm

http://aristean.org/pahayag095.htm

First uploaded:
Last updated:

2013-05-23
2013-05-23


Revision: 0

Copyright Aristeo Canlas Fernando 2013. All rights reserved.