PAHAYAG NG ESPIRITU SANTO - 094

MEDING©

Sinalin ni Aristeo Canlas Fernando
Peace Crusader and Echo of the Holy Spirit

 

Ang kantang Meding ay kinanta nina Ka Apaz aka Maria Liwayway Alvaran, Anita Perez, Alvara Cabalda, Rosario Magbanua, Crescencia Dalangin, at Hansel Roque.

Ang lyrics ng kantang ito ay:

 

Ang ligaya ng isang magulang

sa mundong ibabaw

ang ganda ng anak at butihing asal

laging ikinararangal.

 

Lalo na’t ang anak niyang iniibig

ay may ganda at may bait

at lagi nang tahimik

ang puso niya’t dibdib.

 

Gaya na nga ng isang bituin

na sumikat sa Langit ang ‘alan ay Meding

walang kupas ang kanyang ningning

isang tanglaw ng pusong nasa dilim.

 

Ang sinumang hindi maligaya

sa kay meding ay walang puso’t kaluluwa

‘pagkat siya’y puspos ng ganda

isang bulaklak ng lahing Filipina.

 

Ito ang interpretasyon ni Ka Apaz sa kanta:

 

Ang tinutukoy na Meding ay ang bansang Pilipinas.  Sang-ayon sa kantang iyan, dapat ang Pilipinas ay magpakabuti.  Kung ang Pilipino ay hindi mapaparis sa kantang iyan, walang kabuluhan dahil ang tinutukoy diyan, ang bayang Pilipinas ay wala sa pagsunod.  Wala sa pag-ungos sa ibang bayan.  Kayat sinisikap na maging matalino ang bayang Pilipinas.  Sinisikap niya na sumunod na lahat sapagkat kung hindi susunod ay hindi nga kapuri-puri sa lahat.  Hindi ikararangal.  Ang kailangan, maging mabuting mamamayan.  At ang lahat ng mabuti ay sundin.

Katulad na nga ng isang bituin na sumikat sa Langit, ang pangalan ay Meding.  Walang kupas ang kanyang ningning.  Sapagkat kung hindi mananatili ay ano ang ganda?  Ano ang ikararangal?  Wala.  Bagsak lang ang Pilipinas.  Pero gusto ng Diyos na maging tanglaw, maging huwaran, ang tao sa Pilipinas na palaging maningning.  Walang magdidilim.  Maging anuman ang mangyari.  Kahit dumating na ang pangalan ng sinasabing, o anupang sinasabing relihiyon na Satanismo ay mananatili sa pagkakatayo ang Pilipinas.  Hindi maaaring masukol ng sinuman.  Halimbawa, sabi, walang Diyos.  Hindi.  Mananatili pa ring may Diyos sa bansang Pilipinas sapagkat walang kupas ang kanyang ningning.   Hindi siya bibitiw.  Ang pangalan lang ng Diyos ang kanyang nanaisin palagi.

Ang kanta ay nasa http://aristean.org/pahayag094.mp3 at galing sa u05a, 1:51-3:28.

Edited transcription ng paliwanag ni Ka Apaz tungkol sa kanta ay galing sa u05a, 3:47-6:38.

File Name:
Website Address:

C:\...\website\2008\pahayag094.htm

http://aristean.org/pahayag094.htm

First uploaded:
Last updated:

2013-05-23
2013-05-23


Revision: 0

Copyright © Aristeo Canlas Fernando 2013. All rights reserved.