PAHAYAG NG ESPIRITU SANTO - 068

ANG KALULUWA AT ANG UOD©

Sinalin ni Aristeo Canlas Fernando
Peace Crusader and Echo of the Holy Spirit

Ama:  Paanong nangangabuhay ang namamatay?

Tagapakinig:  Yaong mga buhay, ano (nabulol).

Ama:  Mahirap palang magsalita ng baluktot.

(Nagtawanan ng mga tagapakinig)

Ama:  Kung papaanong nabubuhay ang nangamatay na.  Mayroon bang taong namamatay?

Marcial Aguila:  Wala.  Katawang-lupa lang.

Ama:  Wala pala eh.  Paano mo tinatanong kung nabubuhay?  Ang tao, sinumang mga tao, ay hindi namamatay.  Ang tao ay walang kamatayan.  Nasisira lamang ang kanilang mga bahay.  At ang kanilang mga bahay na tinatawag ay ang inyong mga lupang-katawan na kung sakaling dumating na ang sandali ng paghuhuling araw o Paghuhukom, ang inyong mga katawang-lupang nangamatay o nangasira na inilibing ay muling mangagkakaniig-niig o mangagkakaugnay-ugnay.  At yaon ay pagbabalikan ng inyong mga kaluluwa galing sa kani-kanilang nangaparoonan.  Ayon.

                    Ang pasimula ng bagay na iyon ay ganito, kaya ang kaluluwa ng tao, o ang tao ay walang kamatayan na sinasabi Ko sa inyo.

                    At dumampot anya ang Panginoon ng mga lupa o ng tingkal ng lupa.  At Kanya itong kinapal.  At Kanyang ginawang, inihugis sa Kanyang wangis.  Samakatwid, kamukha, ha?

                    Datapwat nang makita ng Diyos, o nang makapal na ng Diyos ang mga lupa na Kanyang hinugis sa Kanyang wangins, nakita Niyang ang mga lupang ito, o ang mga tiningkal ng lupang ito na Kanyang kinapal ay hindi kumikilos, hindi gumagalaw, dinalaw ng malaking kaawaan ang Kanyang puso.  At Kanya itong nilapitan.  Pakinggan mo.  At Kanya itong hiningahan ng hininga ng buhay, ha?

                    Ang Kanyang inihinga ay hiniga ng buhay.  At ang mga lupang kinapal ay nangagsikilos, nangagsikurap, nangagsihinga o nangagsigalaw.  At ito ay Kanyang tinawagang mga kaluluwang may buhay.  Paanong ang tao ay namamatay?  Ang pinagmulaan ng inyong buhay ay hininga ng buhay.  Samakatwid, saan kayo nagmula?

Marcial:  Sa Diyos.

Ama:  Sa Diyos.  Ngayon, ang Diyos ba’y mayroong kamatayan?

Benigno Santos:  Wala po.

Ama:  Wala.  Kaya wala rin kayong kamatayan.  Okay.  Yaan ang buong linis ng hinihingi mo.  Kaya ang inyong gamitin ay ang inyong parte ng pagka-Diyos.  Sino ba sa inyo ang walang parte ng pagka-Diyos?  Sige nga.

                    Lahat ng mga tao ay mayroong parte ng pagka-Diyos.  Sapagkat ang tao ay hindi tinatawag na tao kung walang hininga ng buhay na nanggaling sa Diyos.  Kaya kayo’y mayroong bahagi ng pagka-Diyos.

                    Ngayon, ang salita’y ganito:  Iwaksi natin ang bahagi ng lupa.  Iwaksi natin ang ugali ng ating kapatid na uod.  Ano ang kapatid ng uod?

Roman Enriquez:  Lupa.

Ama:  Ano ang ugali ng uod?

Tagapakinig:  Manira.

Ama:  Manira.  Manira ha?  Manira.  Ngayon, iwaksi natin ang ugali ng ating kapatid na uod at ang ating balikan ay ang ating bahagi ng pagka-Diyos sapagkat kung wala ang bahagi ng pagka-Diyos ay wala ang buhay.

                    Tayo ay mga lupang kinapal o lupang o bahagi ng lupa na kapatid at bahay ng mga uod.

                    Kaya, mga anak, pumapayag ba tayong maging bahay ng uod sa pagkakataong ito?  Pumapayag pa ba tayo?

Tagapakinig:  Hindi po, Ama.

Ama:  Huwag na tayong papayag na maging bahay ng uod.  Ano ba ang itsura ng uod?  Nakatutuwa ba?

Marcial:  Nakaririmarim.

Ama:  Nakaririmarim.  Nakapandidiri.  Nakapanghihilakbot.  Eh kung tayo, mga anak, bahay ng uod, ano ang gagawin sa atin?  Iiwasan tayo, ano?  Iiwasan.  Iiwasan, hindi ba?  Eh ano kung tayo’y maging uod din?  Lalo tayong iiwasan, hindi ba?  Sapagkat tayo ay mga uod.  Ngayon, kalimutan natin ang pagiging kapatid at bahay ng uod.  Ang ating lingunin ay ang ating bahagi ng pagka-Diyos.

                    Ngayon, hindi ba, mga anak, kayo ay galit na galit sa magnanakaw, ano?  Galit na galit  din tayo sa mamamatay, ano?  Hindi ba, ano?  Galit na galit din tayo sa malabiga, ano?  Eh iyon ang uod eh.  Eh paano kung tayo ay ganoon?

                    Nakapagtataka bang tayo’y layuan kung ikaw ay naglalalapit sa magnanakaw?  Kung ikaw ay naglulumapit sa mga mamamatay?  Hindi ba iyan ang umaangkin ng ugali ng ating pagiging uod at bahay ng uod?  Sapagkat, mga anak, eh kapag ikaw ay magnanakaw, ang makakasalamuha mo’y magnanakaw rin, hindi ba?  Bahay at ugali tayo ng mga uod.  Kalimutan natin iyon, mga anak.  Kayo man lang na nangaririto. 
          Kayo ay kung magtatanong eh kakapiraso.  Eh ang mga sagot Ko ay kahahaba.

        

Transcription ito na galing sa k19a, 33:55-40:52.

 

File Name:
Website Address:

C:\...\website\2008\pahayag068.htm

http://aristean.org/pahayag068.htm

First uploaded:
Last updated:

2012-02-15
2012-02-15


Revision: 0

Copyright © Aristeo Canlas Fernando 2012. All rights reserved.