PAHAYAG NG ESPIRITU SANTO - 061

SINGSING NA PARACALE©

Sinalin ni Aristeo Canlas Fernando
Peace Crusader and Echo of the Holy Spirit

Hindi marunong pumili eh ano?  Ang sabi, “Singsing na Paracale, mawala ma’y hindi bale.”  Yaan ang kawikaan, ano?  Datapwat ang brilyanteng singsing, kung isinusuot mo ay alaga sa hawak at alaga sa tingin.  At kapag binunot sa daliri ang brilyanteng singsing, nakabalot na ay inilalagay pa sa kahitang munti, at ipinapasok pa sa kahitang malaki, at ipinapasok pa sa aparador, at sinususian pa.  Datapwat ang isang singsing na Paracale, pakalat-kalat lamang diyan hanggang sa makarating sa kalye, kung mawala ma’y hindi bale.  Ganito ang kaligayahang naidudulot ng daigdig at ang mga tao naman kasi ngayon, palibhasa’y maraming holdaper, masyadong nasanay na sa paggamit ng alahas na pansi (fancy).

 

Mga anak, ang buhay natin ay hindi natin makukuha sa papansi-pansi.  Magtipon tayo.  Hindi puwedeng investment yaon eh.  Hindi pupuwedeng itago natin yaang alahas na pansi eh para ating isanla sa kinabukasan at ibili ng ating tinapay.  Puwede ba iyan?

 

Datapwat ang ating singsing kung tunay, puwede nating isanla iyan para ibili ng pagkain sa kinabukasan.  Kaya ang tinitipon at pinag-uukulang ipundar, sana, mga anak, ay yaong alahas o hiyas na may kabuluhan at hindi yaong pansi lang.  At ating pangalagaang gawin sa ating kaluluwa at buhay, lagyan natin siya ng magandang balot na katad, at lagyan natin siya ng totoong hiyas na hindi pansi.

 

 

 

File Name:
Website Address:

pahayag061.htm

http://aristean.org/pahayag061.htm

First uploaded:
Last updated:

2010-10-20
2010-10-20


Revision: 0

Copyright © Aristeo Canlas Fernando 2010. All rights reserved.