PAHAYAG NG ESPIRITU SANTO - 047

ANG BABAENG HINDI PA
MAG-AASAWA©

Sinalin ni Aristeo Canlas Fernando
Peace Crusader and Echo of the Holy Spirit

Ama:  Ano ba, Dianela?  Mag-aasawa ka na ba?

Dianela Cabalda:  Hindi pa po.

Ama:  Hindi pa.  Ano ang ginagawa ng isang babaeng hindi pa mag-aasawa?  Ha? 

                              Ba’t ka ba naghahanap ng Bibliya?

Tagapakinig:  Kindi ko po alam.

Aristeo Fernando:  (?).

Ama:  Ha, Dianela?  Ano ang ginagawa ng isang babaeng hindi pa mag-aasawa?  Ha?  Kasi humarap ka sa Akin eh, di siyempre, haharapin din kita.

                              Sabihin ng ninyo sa Akin kung ano ang ginagawa ng isang babaeng hindi pa mag-aasawa.

                              Ikaw, Teofila, babae ka.  Ano ang ginagawa ng isang babaeng hindi pa mag-aasawa?

Teofila Cabalda:  (?) magpakalinis ng (?).

Ama:  Paano ba ang pagpapakalinis?

Teofila:  Iwasan ang pagkakasala.

Ama:  Paano ba ang pag-iwas sa pagkakasala?

                              Paano daw ba iyon?  Ha?

Teofila:  (?).

Ama:  Aba, kapag may asawa ka na ba’y hindi ka na susunod sa utos ...

Teofila:  (?) po.

Ama:  Eh papaano yaong (?).  Teofila, mali yaong sagot mo.

Teofila:  (?) ni Dianela.

Ama:  Dianela, papaano, ano ang ginagawa ng isang babaeng hindi pa mag-aasawa?  Wala ka pa ba, Dianelang, mag-asawa nagkahiwalay?  Ha?  Sagutin mo Ako.

Dianela:  (?).

Ama:  Mag-asawa, nagkahiwalay?  Nakakita ka na?  Inuulit-ulit Ko lang ang tanong Ko sa iyo.  Gusto Kong ulit-ulitin mo ang sagot mo.  Nakakita ka na ba ng mag-asawang nagkahiwalay?

Dianela:  Opo.

Ama:  Opo.  Eh, papaano ka naman nakakita ng nobyo na magka-break?  Nakakita ka na ba?  Ano ngayon ang dapat gawin ng isang babaeng hindi pa mag-aasawa?  Ha?  O ano? 

                              Dianela, marunong ka’ xx ang kaisipan.  Yaon ang pag-aakala Ko, pag-aakala ni Teofila. [ag-aakala ng mga tao.  Pero gusto Kong malaman mo’t huwag mong ikagagalit ang sasabihin Ko, hindi pa pala husto ang kaisipan mo.  Hindi mo Ako masagot eh.

                              Sa bagay, si Teofila, parang sinabi Kong hindi pa husto, si Teofila, ang kaisipan mo.

Teofila:  Tatanggapin ko po (?).

Ama:  Kung papaano, Dianela, na ang mag-asawa na ay nagkakahiwalay pa, ganyan din ang isang magnobyo at magnobya.  Lalong mahigit na nagkakahiwalay ang magnobyo at magnobya sapagkat kung ang mag-asawang pinagtali di umano ng Diyos ay nagkakahiwalay pa, lalong higit ang magnobyo at magnobya na nagkakakalayo.

                              Kayat ang dapat sa isang babae na may-asawa na at wala pang asawa at hindi pa mag-aasawa ay magpakalinis sa pangalan, sa gawa, sa pagkababae.

                              Kung ikaw, Dianela, ay mayroong hangarin o kung ikaw ay nakapangangaral sa isa mong kaibigan, unahin mo ang iyong sarili. 

                              Tuturuan kita ng ipangangaral mo sa iyong sarili.  Huwag kang magkasala.  Lumayo ka sa pagkakasala sapagkat kung ikaw ay hindi lalayo sa pagkakasala, makapagbibigay ka pa sa iyong kapwa-tao ng pagkakasala. 

                              May itatanong pa Ako sa iyo at xx Ko sa iyo.  Nagkakasala ba ang isang humuhusga?

Dianela:  Opo.

Ama:  Ngayon, upang ang kapwa mo tao ay huwag magsihusga sapagkat sila’y nagkakasala pala kung minsan, huwag kang gagawa sa iyong sarili ng ihuhusga.

                              Isa lang ang sasabihin Ko at masakit.  Ang isang babaeng palasama sa kanyang nobyo ay gumagawa ng ihuhusga ng kapwa-tao.  At kung ang iyong kapwa-tao ay humusga na, sila’y nagkasala.  Ikaw ang nagbigay ng kasalanan, at iyon ay walang kasinlaking kasalanan.

                              Hanggang doon ang sasabihin Ko, Dianela.  At ito’y naiintindihan mo na kung bakit Ko iyon sinasabi.

                              Hindi masamang sumama sa nobyo pero ang iyong kapwa-tao ang nagkakasala.  At masama ang sumama sa nobyo kung sa pagsama’y itinatakwil mo na ang kanyang (?).  All right.  Naiintindihan mo iyon.

                              Isa pa, kapag hindi ka nagbigay sa iyong nobyo, sasabihin ng nobyo mo, hindi mo siya gusto at hindi mo siya mahal.  Ang sagot sa ganoong salita’y ganito: ang damit mo bang ipanggra-graduate, bago dumating ang graduation ay pinambabahay mo na?  Hindi mo ba mahal ang damit mong gagamitin sa graduation?    Mahal na mahal mo iyon.  Hindi mo gustong marumihan.  Bakit mo pinambabahay at pinang-aaraw-araw?

                              Di kung dumating ang graduation, marumi na iyon at luma na.  Maaari o nagkaroon na ng mantsa, maihaharap mo pa ba ito sa maraming taong nanonood ng graduation mo?

                              Pero ang babae ay marupok.  Hindi nila kayang gawin iyon at hidni kaya nilang isagot.  Bihira ang marunong noon na gumawa at sumagot.

                              Kaya sinasabi Ko sa iyo, Dianela, maging kabilang ka sa marunong gumawa.

                              Kung dumating na ang oras ng graduation at marumi na ang iyong damit, at wala kang, ah, maipamalit, hindi na matutuloy ang iyong pag-attend sa graduation.  Sino ang pagtatawanan?  Yaon bang gum-raduate o yaong hindi naka-graduate?  Sagutin mo ako.

Dianela:  Yaong hindi naka-graduate.

Ama:  Yaong hindi naka-graduate.  Kaya pag-ingatan mo ang iyong sarili para sa iyong nobyo sapagkat ikaw ay maglaan sa sarili mo na ang damit na pang-graduation.  Kung hindi ka na maisuot sa graduation at palitan ka ng bagong damit, hindi ka na makakapaghabol.  Ikaw ang pagtatawanan.  Kaya pag-ingatan mo ang iyong sarili.  Pag-ingatan mo ang iyong sarili.

                              Kung ikaw ay mag-aasawa na, kung may hinihingi ang iyong mapapangasawa, ang sabihin mo sa kanya, pagka-graduate na natin.

                              Alin ba ang graduation ng isang babae at isang lalaki?  Kasal.  Mahalin mo ang iyong sarili.

                              Kung hinihigpitan ka man ng iyong magulang, ang paghihigpit nila’y hindi para sa kanila kundi para sa iyo.  Minamahal kang labis ng iyong magulang kaya ka nila pinaghihigpitan.  Hindi ang dahil ay gusto nila mapahamak o magkaroon ng kasawian.  Iyon ang isipin mo sa iyong sarili.

                              Kaya ang iyong bibig, ang iyong gawa at ang iyong buong isipan at puso ay iyong gamitin sa puro mabuti upang ikaw ay maging karapat-dapat sa Diyos at sa iyong kapwa-tao.   At lalong mahigit sa iyong sarili.

                              Eh kung ang nangyayari’y katulad ng nakikita Ko, Dianela, baka ka pagtawanan ng langgam, sabi ni Reneliniyindi, baka pagtawanan ka ng langgam.

                              All right.  Alam mo ba na dapat sana’y narito ka pa sa Pilipinas at nag-aaral?

Dianela:  Opo (?).

Ama:  Bakit napuntang madali sa Amerika?  Magagalit ka kay Reneliniyindi at sa Akin sapagkat ipinagtagulin Ko kay Teofila na huwag ka niyang iwanan ng matagal dito sa Pilipinas sapagkat magagalit ka sa Akin.  Masyadong sunod ang layaw mo na siyang inaakala mong siyang totoong pagmamahal sa nag-aalaga sa iyo rito.

                              Samakatwid, kung ikaw ay hindi lamang nakasama kay Teofila ngayon sa kanilang paglayo sa Pilipinas eh hindi ka na si Dianela.  Hindi ka na si Dianela.  Isa ka ng losyang na ina.  Mabuti sana kung may ama ang iyong anak at kung wala?

                              Ganoon pa man, nanghinalayang din Ako nang malayo ka kay Teofila kahit na ikaw ay nasa Amerika.

                              Si Teofila naman, wala sa lugar ang paghihigpit kung minsan.  Ba’t ka ba nagkakaroon ng kaunting luwag dito sa Pilipinas sa piling ni Teofila?  Dahil lamang sa pag xx ni Reneliniyindi  sa kanya.  Hindi ka niya sasamahan o pumunta man sa anumang okasyon ng eskuwela na malayo kung kundi dahil kay Reneliniyindi.  Ngayon, sapagkat Ako at si Reneliniyindi, hindi naman mahigpit sa iyo, ikaw naman, Dianela, matutuong sumunod sa xx.

                              Hanggang diyan ang sasabihin Ko sa iyo.  Kung magalit ka sa Akin, gusto kong malaman mo, sa iyong sarili ka nagagalit.  Kung ikaw ay nagalit kay Reneliniyindi, gustong Kong malaman mo, sa iyong sarili ka nagagalit.  Kung ikaw ay purihin, iyong sarili.  Kung ikaw ay pagtawanan, kasama mong pinagtatawanan ang iyong mga magulang.  Pero kung ikaw ay pinuri, sarili mo lang.  ‘Naku, kay ganda ni Dianela!’  ‘Naku, kay runong ni Dianela!’  ‘Naku, kay bait ni Dianela!’  Kasama ba ang iyong ina?

Dianela:  Opo.

Ama:  Hindi.  Nagagalak lamang siya pero hindi siya kasama sa puri.  Pero kung ipintas sa iyo, ‘Ay, si Dianelang disgrasyada, palibhasa’y ang ina ay hindi marunong mangalaga ng anak!’, kasama si Teofila, di ba?  Tandaan mo iyan.  Puputulin Ko  na.  Sige, Aristeo.

Aristeo:  Ama, itong inyo pong, ah, payo na iyon, xx kay Dianela, eh nararapat po at bagay na bagay sa akin, kay Filipinas.

Ama:  Kahit kayninong mga bata, kahit kayninong matatanda, walang isa mang taong nangangailangan noong ipinangaral Ko kay Dianela.  Lahat ng tao’y nanganganilangan noon.  Sige.

(Mula sa e05a – 19880814.3003)

File Name:
Website Address:

C:\...\website\2008\pahayag047.htm

http://aristean.org/pahayag047.htm

First uploaded:
Last updated:

2011-12-20
2011-12-20


Revision: 0

Copyright © Aristeo Canlas Fernando 2011. All rights reserved.