PAHAYAG NG ESPIRITU SANTO - 032

ANG PANAUHIN SA ATING PUSO©

Sinalin ni Aristeo Canlas Fernando

Ama:  Ang higit na kinatatakutan Ko lamang ay ang mamatay ng tigib ng pagkakasala.  Kaya Ako ay tulungan Mo.  Huwag Mo akong pabayaang maparool sa apoy ng Impiyerno.  Pamalagiin Mo akong malakas.  Pamalagiin Mo akong nananampalataya.  Huwag Mong papanghinain ang aking puso sa pananampalataya sa Iyo, O Panginoon kong Diyos, ngayon at magpakailanman.  Ganoon ba?  Opo, raw.

      Bakit kayo ay nagagalit?  Hindi ba iyon ay ipinagkakasala?  Bakit kayo naghihinanakit?  Hindi ba’t iyon ay ipinagkakasala?  Alam ng lahat na iyon ay pagkakasala.  Bakit kailangan tayong mag…?  Bakit kailangan tayong magalit?  Bakit kailangan tayong magtangi-tangi?  Bakit tayo kailangang mayroong tingnan at mayroong hindi?  Bakit mayroon tayong agad tinatanggap at mayroong hindi matanggap-tanggap? 

     Ang sinuman sa inyong lumalapit sa Akin sa anumang paraan ay Aking tinatanggap at hindi Ko mangaitinataboy.  Nabasa ba natin iyan o hindi?

     Bakit ngayon tayo ay tumatanggap at nagtatangi-tangi?  Panahon na, mga anak, para isaayos natin ang lahat nang dapat nating isaayos.  Panahon na para ang ating puso ay bakantihin.  Lagyan natin ng puwang, ng lugar na matitirhan doon sa puso ng Panginoon nating Diyos. 

     Hindi kayo kapag may bisitang darating at itinalaga ninyong matulog sa isa ninyong kuwarto o doon siya manatili sa loob ng isang kuwarto, hindi ba’t ang kuwartong ating inihahanda, iyon ay ating pinakalilinis-linis?  Pinakakaayus-ayos?  Binabalutan ng kurtina at ang lahat ng mga sukal, basura o kalat ay ating inalis, hindi ba?  Tama ba iyon?

Marcial Aguila:  Tama po iyon.

Ama:  Bakit ngayon, ang ating puso ay tigib ng paghihinanakit, ng pag-aalinlangan, ng galit, ng pagkakasala?  Hindi ba iyon ang silid na ating inilalaan sa pagtanggap sa ating Panginoong Diyos?  Bakit hindi natin alisan ng sukal at bakit hindi natin ayusan?  Bakit hindi natin ito pakalinis-linisan, pakaisis-isisin?  Lagyan ng floor wax, bunutin, pakintabin, para kung dumating doon ang ating pinaglalaanan, ang Panginoong Diyos, hindi ito mabalisa, hindi marumhan, hindi mabahuan at ito ay manatili doon.  Kaya ang hindi natin natatanggap, .. ang Diyos sa ating puso? 

     Kahit sinasabi ninyong Ako ay naroroon sa inyong puso ay di ko mapaniwalaan sapagkat ang silid na inilalaan ninyo sa Akin ay puno ng sukal, puno ng basura.  May mga dagang patay na nakasingit at yaon ay lumilikha nang walang kahulilip na kabahuan.  Paano ninyo patatagalin sa pagtira sa loob ng inyong kuwartong masukal at mabaho ang inyong pandangal na panauhin.  At paano natin patitirahin nang lubusan ang ating Panginoon Diyos sa loob ng ating puso kung ito ay batbat ng karumihan?  Linisin natin siya at tawagin natin Siya na manirahan doon nang habang panahon buhat ngayon kung ibig nating magkaroon ng Kanyang pagsubaybay upang tayo ay hindi na muling maghina, upang magawa Niyang tayo ay palakasin at pasiglahin, patibayin, at magkaroon ng matibay at wagas na pananampalataya.

     Bakit, hinihintay Ko ang inyong pagsagot sa Aking sinasabing ito?  Bakit hindi ninyo Ako tutulan?  Totoo nga kayang Ako’y nasa sa inyo ng mga puso?  Totoo nga kaya na Ako ang nakadambana o nakatrono ng inyong puso bilang Siyang inyong hari?  Ano’t ngayon hindi makabuka ang inyong mga bibig sa pagsasaad ng isang buong katotohanan.  Sapagkat hindi natin mapapasinungalingan na ang naghahari sa ating puso ay hindi Ako o ang kinikilala ninyong diyos man kung hindi ang inyong mga anak, ang inyong mga pagpapayaman, ang inyong mga paghihinanakit o pagdaramdam at ang sarili ninyong paninindigan, hindi ba? 

     Ni isa sa inyo ngayon ay walang nang nakasagot sapagkat hindi ang buong katotohanan.  Elisa?  Ano ang masasabi mo sa Akin?  Ano?  Alvara?  Teofila?  Yaong tulog, hindi Ko na tatawagin.  Yaong gising eh hindi makakibo eh, di lalo’t higit yaong mga tulog.  Ano, Marcial?  Ano?  Teodolfo?  Guillermo?

 

(continuation – Side B)

     Alisin, alisin, alisin.  Kapag ibinaon mo, sisingaw ang baho.  ‘Pag itinapon mo, may pupulot.  Alisin.  Paanong maaalis?  Paanong maaalis?

     Ano ang gamot sa masakit ang kamay?  Putol ba?  Ano ang gamot sa masakit ang paa?  Putol?  Lunas.  At ang sample ni Reneliniyindi, gaya halimbawa, mga anak, sila ay nagagalit sa inyo sa salang kayo ay tamad.  Samakatwid, kayo magpakasipag.  Samakatwid, hindi itinapon at hindi ipinaulit(?).  Binigyan ng lunas. 

     Halimbawa, mga anak, sila ay nagagalit sa inyo sapagkat kayo ay mga tamad, palasagot ng wala sa katwiran.  Ano ang nararapat?  Huwag sumagot katwiran at ang katwiran ay tanggapin, tanggapin.  May mga bagay na ibig Kong magsabi sa inyo pero hindi ko na ngayon didiretsahin, magtatalapakin.  Mag-isip kayong maigi sa ginagawa ninyong pagkakasala at pagkukulang. 

     Kapag itinapon ay may pupulot.  Kapag ibinaon ay ___?  Ano ang dapat?  Wala.  Wala.  Wala.  Ang tao, ang anak ng tao kapag masakit ang tiyan, dinadala sa ospital, ibinabibiyak ng magulang sa doktor.  Masakit ang biyak, ha.  Hindi ba masakit ang biyak?  Biyak, eh.  Pero dinadala ba ng magulang ang anak na ito sa doktor para biyakin ang tiyan para ang kanyang anak ay masaktan?  Para siya ay gumaling sa kanyang karamdaman.  At sinasaktan ang inyong kalooban, hindi upang kayo ay masaktan kundi upang kayo ay gumaling.

Marcial:  Ama, tulad po noong panalangin na ..

Ama:  Alright, ano naman ang karugtong noon?  Sinasabi mo yaong ako’y marupok at ako’y mahina.  Bakit hindi mo hindi idinudugtong na kaya ikaw ay Iyong palakasin at kami po ay Iyong patibayin.

Marcial:  Kaya nga po kami ay nananatili sa puno.  Kayo ang puno, Ama.

Ama:  Kayo yaong mga sanga na hindi magbunga o malayo sa puno.  Samakatwid, Marcial, inaamin mo ba ngayon na Ako ay walang kuwentang manggagamot?

Marcial:  Hindi po.

Ama:  Hindi pala eh.  Sapagkat ang sabi ninyo, ako’y Inyong palakasin.  Ako po’y Inyong patibayin.  Hindi ba?  Samakatwid, hindi Ko pa pala kayo napalalakas and hindi Ko rin kayo napatitibay.  Ipagbangon po ninyo Ako, Marcial.  Ipagmakahiya naman ninyo Ako, Marcial, Guillermo.  Hindi kayo ay Aking pinalalakas?  Hindi kayo ay Aking pinatitibay sa pamamagitan nga ng pagdidikit-dikit Ko sa inyo ng Aking mga ipinahahayag at mga aral?  Samakatwid baga’y ang inyong puso ay hindi lumalakas?  Samakatwid baga’y hindi kayo nagsisitibay?  Samakatwid baga’y hindi nagkakadikit-dikit at hindi nagkakaugma-ugma sa inyo ang Aking pagpapahayag at mga aral?  Bigyan ninyo Ako ng kahihiyan.  Ipagmakahiya ninyo Ako.  Huwag kayong gumawa ng pagkakasala bagkus tulungan ninyo ang inyong kapwa upang sila man ay mangahango sa pagkakasala.  Hindi Ako nagpapabaya.  Bakit tayo nadirito ngayon?  Hindi ba upang kayo ay bigyan ng lakas?  Hindi ba upang kayo ay bigyan ng tibay?  At alin pa ang sinasabi ninyo ngayon na kayo ay marupok at kayo ay mahina?  Ummh?   Ummh?

     Teodolfo, nababatid Kong ikaw ay marunong.  Ikaw ay matalino.  Marcial, nababatid Kong tigib ka rin ng karunungan at katalinuhan dala o dulot sa inyo ng kalupaan.  At ikaw, Guillermo, hindi Ko sasabihin na ikaw ay mangmang.  Gayun din naman sila Elisa, Alvara, at Teofila na tigib din naman ng mga karunungan.  Hindi kaya kahiya-hiya naman na ang inyong pinanatilihang Duktor na walang kakuwenta-kuwenta na di kayo mapalakas at di kayo mapatibay.

     Anong kuwentang karpintero Ako kung wala sapagkat hindi Ko magawa ang sa inyong ikatitibay.  Anong kuwentang doktor Ako na hindi naman maibigay ang lunas ng inyong mga karamdaman?  Ngunit sasabihin Ko sa inyo, mga anak, magaling man ang karpintero, sanay na sanay Ako mag-anluwage.  Marunong na marunong Ako na magtayo ng bahay at kayo naman ay magaling na kostumer na magpapagawa.  Ngunit masisira Ako ayaw ninyong bigyan Ako ng inyong materyales ay ano ang gagawin Kong bahay.  At masisira din Ako bilang dalubhasa.  Masisira Ako.  Totoong walang kakuwenta-kuwenta ang doktor lalo na ang kanyang ibinibigay na gamot kung hindi naman iniinom ng kanyang pasyente.

     Samakatwid baga, ngayon kung hindi Ko kayo mapatibay ay sa kakulangan ninyo ng materyales na inihahandog.  At hindi Ko kayo mapalakas ay dahil sa katamaran ninyong uminom ng ibinibigay Ko sa inyong mga gamot.  Sapagkat lalaki ang ipapataw Ko sa inyong parusa.  At ayaw Kong maparusan Ko kayo nang napakalaki.  Hindi ba ninyo itatanong sa Akin kung bakit?  Ang mga nasisintensiyahan sa bilangguan kung hindi umaamin sa pagkakasala ay lumalaki ang parusa at kung umaamin naman ay nakaaabsuwelto, hindi ba?  Pero Ako ay iba.  Sa pag-amin ninyo sa inyong pagkukulang, lalo Ko kayong bibigyan ng parusa.  Bakit?  Hindi ba’t alam ninyong kailangan Ko’y malakas?  Hindi ba’t alam ninyong ang kailangan Ko’y matibay?  Bakit ninyong aamin sa Akin ang inyong pagkukulang?  Ang hinihintay Ko ninyong salita sa akin, ‘Ama, buhat ngayo’y pagkukunan ko na ang aking pagkukulang. 

     Eh kung aaminin mo lang sa Akin, patatawarin naman kita, eh di magkukulang ka nang magkukulang at patatawarin at patatawarin ka.  Mula ngayon, tandaan ninyo.  Sa inyong pagkukulang, isang dagdag na laki ng kaparusahan ang Aking ibibigay.  Kaya ang kailangan Ko ay hindi ang inyong pagkukulang kung hindi ang inyong pagpupuno sa mga kakulangan.  Nakuha ba ninyo?

     Dapat ang mga bagay na ito ay inyong mapag-unawa at inyong mapag-isip-isipan.  Sana bukas hanggang Linggo, sana imis na ang bahay.  Mga anak, kung mayroon ba sa inyong pupuntang tao eh yaon lamang bang silid-tutulugan ang inyong nililinis?  Inyong hinahawan?  Lahat ba?  Samakatwid, hindi ang inyong puso na inilalaan para sa Akin ang inyong lilinisan kundi ang buo ninyong bahay.  Hindi ba?  Hindi ba?

     Sapagkat kung malinis ang idinaan ninyo sa Aking silid, saan Ako magdadaan?  Hindi ba buhat sa inyong pintuan?  At saan Ako kakain?  Doon ba sa loob ng kuwarto  na iginayak ninyo sa Akin?  Saan Ako maliligo?  Sa loob din ba ng silid na idinaan sa akin?  Saan Ako pupunta at manunungaw?  Sa loob din ba ng silid na ipinaghanda ninyo sa Akin?  Samaktwid, iyon lamang ang inyong lilinisin. 

     Ako’y pupunta sa inyong kumedor para kumain.  Ako’y pupunta sa inyong banyo upang maligo.  At kailangang ang lahat ng buong kapaligirang iyon ay malinis.  Manunungaw Ako sa inyong bintanaan at manonood ng mga nasa paligid, kaya’t kailangang malinis din ang buong kapaligiran.  Sapagkat kung ang nilinis lamang ninyo ay ang aking silid na inyong itinaan, kapag Ako’y kumain, kapag Ako’y naligo, kapag Ako’y nanaog, kapag Ako’y nanungaw, ano ang sasabihin Ko?  Ang mga taong ito, may pakitang-tao lamang para sa Akin, sapagkat ang silid na tinitirhan Ko ang nilinis.  Samakatwid sila ay mali-malinisan ngunit mga salaula, hindi ba? 

     Ngayon, ano ang hinahanap Ko?  Ganap na ganap na ganap na kalinisan.  Hindi Ko kayong kukunin na katulong kapag ang silid na nakahanda para sa Akin ang inyong lilinisin.  Bakit?  Ba’t hindi Ko kayong kukuning katulong?  Wala kayong kuwenta, eh.  Ang buong bahay ninyo ay pababayaan ninyong marumi eh at ang lilinisin ninyo ay ang Aking silid.  Hindi ba?  Kukunin ba ninyong katulong ang isang tao kung makita ninyo?

     Hindi pala.  Kayo man.  Hindi kung ang isang babae ay salaula sa kanyang pananamit, palaging marumi, kukunin ba ninyong labandera ng iyong damit?  Na kung ang sarili niyang damit ay hindi niya malinis?  Hindi ba?  Papaano naman Ako?  O?  Samakatwid ang pag-uusap natin ngayon ay malinis.  Tayo ay magpakalinis.  Tayo ay magbangon.  Tayo ay dumilat, gumising maigi.  Ibuka nating maigi ang ating mga mata para lubos nating makita ang duming ating nasa ating kapaligiran.  At kung magkagayon, tayo ay makapagdala ng walis at ganap na malinis at linisin nating mabuti ang ating puso at ito ang ating silid na ihahanda sa pagtanggap sa ating Diyos.  Ngunit tunay na sinasabi Ko sa inyo, ngayon pa lang ay nagtatangka Ako at gustung-gusto Ko nang makahimlay.  Gustung-gusto Ko nang makaupo sa trono na pansilid na inyong inilalaan sapagkat dahil sa takbo ng panahon ay baka mahuli na.  Nakuha ba ninyo iyon?

     Dapat pala sa inyo eh, dahil hindi lahat kayo ay nakapagtatanda sa inyong sarili eh, dapat pala sa inyo ay mayroong kayong tigi-tigasang tape ng ating pinag-usapan eh.  Sapagkat ibig Kong mai-relay ninyo ito o inyong maipahayag nang ganap sa buo ninyong pamilya sapagkat sila ang inyong pamamahay.  Sapagkat sila ang inyong kapaligiran.  Naintindihan ba ninyo? 

     Aanhin Ko ang kagandahan ng lupa?  Bago pa ninyo linisin iyan ay matagal Ko nang nakita.  Noong wala pang suka ang lupa ay ganap Ko nang napagmasdan at hindi Ko kailangan ang kalinisan ng lupa.  Hindi Ko kailangan ang kakintaban ng inyong sahig.  Hindi Ko kailangan ang kalinisan ng inyong banyo.  Ang kailangan Ko ay ang kalinisan ng inyong puso at ang kalinisan ng puso ng inyong mga kabahay. 

     At ang walis na inyong gagamitin ay ang inyong matitibay na puso at may lubos na pananampalataya sa Diyos upang ang lahat ng pagkakasala ng inyong buong sambahayan ay mapawi at mapahid na lahat.  At kung magkagayo’y karapat-dapat na nga kayong ituturing na mapaharap sa harap ng Diyos.  Malinis? 

Marcial:  Malinaw.

Ama:  Ang kalinawan sanang iyan ay lubusan nang makalinis ng inyong buong sambahayan at inyong mga silid.

 

                         

File:  pahayag032.htm     First uploaded:  2008 July 8     Last updated:  2008 July 8     Revision:  0

 

HomeRevelationsProphecies888 – Number of JesusCrucifixionTeachings in Pilipino

Aristean CalendarAristean Decimal TimeAristean CycleWorld PeacePostingsSite Map

 

© Aristeo Canlas Fernando 2008

All rights reserved.